CAMARINES SUR-Pinag-iingat ng MDRRM Balatan ang lahat ng daraan sa Balatan- Nabua National Road, naitala kasi ang soil erosion dahil sa Bagyong Egay.
Partikular na nangyari ito sa sakop ng Barangay Cabanbanan kahapon, apaketado ang kabilang linya ng kalsada.
Bukod sa insidenteng ito hindi rin nadaanan ng mga light vehicles nitong nagdaang gabi ang Siramag- Luluasan Spilllway na komokonekta sa Pararao at Camanggahan.
Samantala, dahil sa rainfall advisory ng PAGASA, nakamonitor ang mga MDRRM offices sa epekto ng ulan hindi lamang sa baha kundi sa posibleng pagguho ng lupa.
Sa Sagñay, kahit na maayos ang panahon nitong mga nagdaang araw, nakabantay ang MDRRM hindi lamang sa Patitinan kundi sa Sagñay- Tiwi Road.
Ayon kay Jam Tria ng MDRRM, nauna nang inabisuhan ang mga nasa ladslide at flood prone areas bago pa man lumakas ang Bagyong Egay na mag-antabay sa lagay ng panahon gayunpaman handa aniya silang rumisponde anumang oras.