Nagiging maingat ang Philippine Coast Guard (PCG) sa ginagawang pagtugon sa oil spill mula sa lumubog na MT Terra Nova sa Limay, Bataan.
Ayon kay Coast Guard Station Bataan Lt Commander Michael Encina, kapag natapos na ang pagkakabit ng metal capping ay saka nila masisimulan ang siphoning o ang paghigop sa mahigit 1 milyong litrong industrial fuel mula sa lumubog na motor tanker.
Nabatid na labing apat na araw ang proseso ng pagpapalit ng metal caps o ang mas matibay na pangselyo sa mga valve.
Kailangan pa kasing selyuhan ng mabuti ang mga valve na may leak para masiguring hindi ito makakaapekto sakaling i-angat na ang tanker.
Ayon pa kay Encina, under control ang sitwasyon sa lugar at on top ang gobyerno sa nagpapatuloy na respunde sa oil spill.