Iniulat ng Department of Budget and Management (DBM) na mas bumilis ang government spending sa unang bahagi ng taong 2024 kumpara noong nakalipas na taon.
Ayon kay Principal Economist Joselito Basilio ng DBM, 14% na mas mabilis ang pag gasta ng gobyerno, higit daw ito sa itinakda ng Development Budget Coordination Committee.
Major contributor anya rito ay ang road network infrastructure program ng Department of Public Works and Highways, dahil maagang napasimulan ang mga proyekto.
Malaki din daw ang inilabas na pondo para sa modernization program ng Department of National Defense.
Gayundin ang 4Ps ng Department of Social Welfare and Development.
Mas maayos na raw kasi ang naging proseso ngayon at mas malinis na rin ang sisteme at listahan ng mga benepisyaryo kumpara noong nakaraang taon.
Nabatid na pinuna noong nakaraang taon ng DBM ang mga ahensya ng gobyerno dahil sa mabagal na pag gastos ng pondo o yung tinatawag na underspending.