PCG, ipauubaya sa PhilSa ang narekober na Chinese rocket debris sa Bataan

Ipinauubaya na ng Philippine Coast Guard sa Philippine Space Agency kung ano ang nararapat gawin sa narekober nilang debris na pinaniniwalang mula sa isang Chinese Rocket.

Ayon kay PCG Spokesman Rear Admiral Armand Balilo nakipag-ugnayan na sila sa National Space Administration ng Pilipinas para sa tamang disposisyon ng naturang debris.

Read More:  Pulong Duterte says Marcos won because of VP Sara

Maliban dito inihayag din ng PCG official na ipinaalam na din nila ito sa Chinese Embassy.

Noong Lunes nang matagpuan ng isang mangingisda ang naturang debris sa bahagi ng Morong, Bataan.

Read More:  DOLE Region III director suspended following Pampanga building collapse

Naniniwala naman ang PhilSa na ang narecover na debris,ay bahagi ng Long March 7 rocket ng China na inilunsad sa Wenchang Space Launch Center sa Hainan noong May 11, ngayong taon. //LB, edited MHEL PACIA