Poe, pinamamadali ang full electrical audit sa NAIA matapos ang panibagong power outage

Idiniin ni Senate Committee on Public Services chairperson Senadora Grace Poe ang kahalagahan ng pagkakaroon ng full electrical audit sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Ito nga ay matapos na naman ang naitalang power interuption sa NAIA Terminal 3 kahapon.

Ayon kay Poe, tila nakapagtataka na kung nagkataon lang ba, ‘o talaga bang sinasadya na ang mga error sa NAIA na laging natataon sa holiday.

Read More:  Bato’s wife appeals against possible Hague transfer

Kabilang na rito ang glitches na naitala noong New Year, Labor Day, at ngayon naman – nataon pa sa long weekend ng Independence Day.

Aniya, hindi pa rin malinaw kung bakti hindi natu-turn over sa contractor ang electrical plan ng NAIA T3 gayong mayroon nang bayad ang gobyerno para rito.

Read More:  Acidre urges Senate to prioritize impeachment over flood control hearings

Sabi pa ng senadora, na hindi dapat gawing dahilan ng MIAA ang pinag-aaralang privitization para lang kaligtaan na nila ang responsibilidad sa proper maintenance at contingency plans.

Mababatid na sa huling imbestigasyon ng MIAA, lumabas na naiwang testing equipment pala agn dahilan kung bakit nag-short ang sistema noong Hunyo 20 ng tanghali. //LGD, edited MHEL PACIA