Tatapusin na ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang kanyang 3-day state visit sa Indonesia ngayong araw para para tumulak naman sa bansa Singapore.
Ilan sa mga kasunduan na nalagdaan sa pagbisita ni Marcos Jr. sa Indosenia ay ang Philippines-Indonesia Plan of Action roadmap cooperation, renewal of agreement on defense and security cooperation, at Memorandum of understanding on cultural cooperation.

Nagpasalamat naman si Pangulong Marcos kay Indonesian President Joko Widodo dahil sa mainit na pagtanggap nito sa kanya.
Samantala ngayong araw, bibiyahe naman ang Pangulo sa Singapore para sa hiwalay na two-day state visit sa naturang bansa.
Batay naman sa inilabas na itinerary ng Singapore’s Ministry of Foreign Affairs (MFA) isang welcome ceremony ang inihanda sa Istana para kay Marcos at susundan ng state lunch kung saan hosts si Singapore’s President Halimah Yacob.
Bukas, Miyerkules makikipagkita si Marcos kay Prime Minister Lee Hsien Loong, na magho-host sa kanya ng almusal.
Inaasahan naman na mas paiigtingin ng dalawang bansa ang kanilang economic cooperation at people-to-people ties.