Kinumpirma ni Press Secretary Trixie Cruz-Angeles na inilapit na ni Foreign Affairs Secretary Enrique Manalo ang kaso ni Mary Jane Veloso sa kanyang Indonesian counterpart na si Retno Marsudi.
Ayon kay Cruz-Angeles, patuloy na naghahanap ng mga solusyon ang Department of Foreign Affairs para kay Veloso, na kinasuhan ng drug trafficking matapos makuhanan ng 2.6 kilos ng heroin sa Yogyakarta noong 2010.
Hindi naman nagbigay ng dagdag na detalye ang press secretary dahil ito umano ay sensitive issues.
Samantala, hindi naman makumpirma ni Cruz-Angeles, kung nabanggit ni President Ferdinand Marcos Jr. ang naturang usapin kay Indonesian President Joko Widodo.
