Kinansela ni Pangulong Bongbong Marcos ang lahat ng kanyang schedule ngayong araw at sa halip ay pinangunahan ang isang situation briefing sa Bagyong Kristine sa National Disaster Risk Reductioon and Management Council sa loob ng Camp Aguinaldo.
Iniulat ng PAGASA, OCD, DSWD, at sitwasyon ng mga lugar na apektado ng pananalasa ng Bagyong Kristine lalo na sa Bicol region.
Sa ulat ng PAGASA posible pang lumakas ang bagyo at maging severe tropical storm bago mag landfall mamayang gabi o bukas ng umaga sa bahagi ng lalawigan ng Aurora.
Iniulat rin sa Pangulo ang panawagan ng mga LGU sa Bicol na nangangailangan ng mga rubber boats at 6×6 truck dahil hindi na passable ang karamihan ng mga kalsada sa Bicol kaya pahirapan ang pag rescue sa mga residente.
Sa katunayan ayon kay DILG Secretary Jonvic Remulla, nasa 300 barangay ang lubog ngayon sa baha sa Bicol.
Sa direktiba ng Pangulo, inatasan nito ang Office of Civil Defense na kumuha ng mga rubber boats mula sa Visayas at Mindanao, habang pinahahanda na rin ng Pangulo ang airlifts ng AFP para gamitin sa pag rescue habang hindi pa passable ang karamihan ng mga kalsada .
Samantala, kinumpirma ng OCD na may isa nang nasawi sa Palanas Masbate matapos mabagsakan ng puno, lima naman ang injured, 4 mula sa Northern Samar at isa sa Labo Cam Norte habang may pito namang nawawala.