Nadagdagan pa ang bilang ng mga indibidwal na naapektuhan ng pananalasa ng Bagyong Kristine.
Sa huling report ng DSWD Disaster Response Management, sumampa na sa halos kalahating milyong indibidwal ang naapektuhan o katumbas ng mahigit isandaang libong pamilya.
Malaki na rin ang bilang ng mga pamilyang nananatili sa mahigit 200 evacuation centers na nasa 4,000 pamilya o katumbas ng mahigit 15,000 indibidwal.
Karamihan sa mga ito ay mula sa Cagayan Valley Region, MIMAROPA, Bicol Region, Region 6, 8, 12, at BARMM.
Umakyat na rin sa 41 kabahayan ang labis na nasira ng mga pag-ulan habang 146 rin ang partially damaged.
Tuloy-tuloy naman ang relief efforts ng DSWD sa mga lalawigang apektado na nakapaghatid na ng inisyal na 2.3-milyong pisong halaga ng humanitarian assistance.