Delay na sahod sa mga healthcare worker, bunsod ng kakulangan sa pondo

Kakulangan sa pondo ang naging dahilan ng pagka delay ng mga sahod ng mga Healthcare workers sa 16 na ospital dito sa Palawan.

Ayon kay Hospital Development and Management Program Manager Dra. Mary Ann Navarro, hindi umano sapat ang P174.5M na pondo para mapasahuran lahat ng mga tauhan sa lahat ng Ospital.

Ang naturang pondo ay nagawa lang sahuran ang mga tauhan sa 14 na ospital sa loob lang ng anim na buwan mula Enero hanggang Hunyo.

Read More:  Mother nabbed in drug bust, 3 children left with neighbors

Habang nagawa lang sahuran ang dalawang malalaking Ospital sa loob lang ng 3 buwan.

Naging sanhi din umano ang bagong requirements sa bilang ng mga Medical Personnel sa bawat ospital na inilabas ng Department of Health, kaya’t tumaas din ang bilang ng mga empleyado ngayon sa mga pagamutan.

Read More:  P136-M shabu hidden in Chinese tea bags seized in Cebu

Iginiit din ni Dra. Navarro na kung may sapat lang umanong pondo ay hindi madedelay ang mga sahod ng mga nasa sektor ng pangkalusugan.

Sa kasalukuyan, ikinatuwa ng Provincial Health Office ang karagdagang mahigit P73M na aprobadong supplemental budget para sa sahod ng mga Healthcare workers.