PBBM, posibleng may shortlist na para sa magiging kalihim ng DA

Naniniwala si Executive Secretary Lucas Bersamin na meron nang shortlist si Pangulong Bongbong Marcos para sa magiging kalihim ng Department of Agriculture.

Ayon kay Bersamin, bagaman wala pa syang balita kung meron nang napupusuan ang Pangulo na maging secretary ng DA, pero posible anyang meron nang pinagpipilian.

Batid naman daw kasi ng Pangulo na dapat merong regular na kalihim ang DA, yun nga lang posibleng tinatantya pa ng Presidente kung sino ang pwedeng pumalit sa kanya.

Hindi pa raw kasi nito maipagkakatiwala ang ahensya sa mga tao na hindi makapag desisyon agad tulad ng isang regular secretary.

Sa huli nilinaw ni Bersamin na ayaw nitong Pangunahan si Pangulong Marcos hinggil sa naturang usapin.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *