Immediate supervisor ng 5 Pulis na nanloob sa isang computer shop sa Maynila, iniimbestigahan na rin

Iniimbestigahan na rin ng Philippine National Police-Internal Affairs Service (PNP-IAS) ang immediate supervisor ng limang pulis na nanloob sa isang computer shop sa Sampaloc, Maynila.

Ayon kay PNP-AIS Inspector General Atty. Alfegar Triambulo, ipinag-utos niya na imbestigahan ang bisor ng limang pulis na si PCapt. Rufino Casagana.

Ito ay matapos na sabihin ng mga suspek na alam ni Casagan na papasukin nila ang naturang computer shop nang walang hawak na search warrant.

Giniit ni Triambulo, na ang ginawa ng mga nasabing pulis Maynila ay malinaw at malaking paglabag sa standard operating procedure ng PNP.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *