PBBM – pinasalamatan ang serbisyo ng Ireland at Finland sa pagtatapos ng kanilang tour of duty sa bansa

Nagpasalamat si Pangulong Bongbong Marcos kina Irish Ambassador H.E William John Carlos at Finnish Ambassador H.E. Juha Markus Pyykkö, sa papel na kanilang ginampanan para sa pagpapalalim ng ugnayan ng Pilipinas at ng kanilang mga bansa.

Sa farewell call sa Malacañang kahapon, sinabi ni Ambassador Carlos na magiging mahirap para sa kaniya na iwan ang Pilipinas, lalo’t napalapit na ang loob niya sa mga Pilipino, at sa mayamang kultura ng bansa.

Sa panig naman ni Ambassador Pyykko, kinilala nito ang mayabong na diplomatic relations ng Pilipinas at Finland.

Ikinatuwa rin nito ang muling pagbubukas ng embahada ng Pilipinas sa Helsinki.

Inaasahan naman ng Pangulo na sa reopening ng embassy sa Helsinki, mas magtatatag ito ng matibay na koneksyon sa pagitan ng Pilipinas at Finland.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *