Humigit kumulang 500 US, Japan, at Korean Military, magsasagawa ng Humanitarian Mission sa lungsod Legazpi

LEGAZPI CITY – Kinumpirma ni Legazpi City Mayor Geraldine Rosal, na mayroon umanong darating na humigit kumulang 500 US Army, Japan at Korean Military na magsasagawa ng Humanitarian mission sa lungsod ng Legazpi.

Nilinaw ng Alkalde, na walang magaganap na joint military exercise dahil lang sa pagbisita ng nasabing mga grupo mula sa ibang bansa.

Sinabi ni Rosal na, layunin lamang umano nito na tulungan ang lungsod na makapag ayos ng mga school buildings at rehabilitasyon ng Gabaldon building, kung saan proyekto pa umano ito noong panahon ng America. Maliban pa rito, ay mayroon din umanong ilalagay na proyekto ang nasabing grupo sa parte ng Sawangan Park.

Tiniyak rin ng alkalde, na bibigyan ng seguridad ang mga bisita para sa kanilang kaligtasan at tutulong ang lungsod sa pag aayos ng mga paaralan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *