Tinaguriang HVI na nasa Regional Priority Target List ng PNP-PDEA, timbog sa buy bust ops

Himas-rehas ang tinaguriang High Value Individual (HVI) ng PNP-PDEA Region 2 matapos mahuli sa ikinasang operasyon ng PNP Isabela kahapon, ika-walo ng Hulyo sa Barangay Roxas, Naguilian, Isabela.

Sa nakuhang impormasyon ng Brigada News Team, kinilala ang suspek na si alyas “Vin” kung saan nasa listahan din siya ng Regional Priority Target List ng mga awtoridad.

Kaugnay nito, nakuha mula sa kaniyang pag-iingat ang dalawang pakete na naglalaman ng hinihinalang shabu at isang libong piso na ginamit bilang buy-bust money.

Dinala na sa himpilan ng Naguilian PS ang suspek na nakatakdang sampahan ng kaso.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *