PBBM – ‘no comment’ sa paghukay ni VP sara sa labi ni Marcos Sr.

Mailap pa rin si Pangulong Bongbong Marcos na sagutin ang mga banat ni Vice President Sara Duterte na ipapahukay ang labi ng kanyang ama at itatapon sa West Philippine Sea.

Pagkatapos ng inihandang misa para sa namayapa nitong ama na si former President Ferdinand Marcos Sr kanina dito sa Libingan ng mga Bayani, sinubukan ng media na tanungin ang Presidente.

Read More:  PAGASA warns of danger-level heat index in 16 areas

Pero tumanggi itong magbigay ng anumang pahayag.

Hiniling din nito na pag-usapan na lang sa susunod na pagkakataon ang iba pang issue.

Samantala, tanging si Pangulong Marcos lang at dating First Lady Imelda Marcos ang dumating dito sa Libingan ng mga Bayani, wala ang ibang kapatid nito na si Irene habang kahapon ay dumalaw na raw si Senator Imee Marcos.

Read More:  Remulla denies rumors of Romualdez leaving Quezon City Jail

Tulad naman noong nakaraang taon, daan daan pa ring mga suporters at loyalist ng pamilya Marcos ang dumalaw sa puntod ni Ferdinand Marcos Sr.