PBBM, nakatakdang dumalo sa PMA Alumni Homecoming

Nakatakdang dumalo si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa 2023 Philippine Military Academy Alumni Homecoming bukas sa Fort del Pilar sa Baguio City.

Ito ang kauna-unahang pagdalo ni Marcos sa alumin homecoming bilang Commander in Chief ng Armed Forces of the Philippines.

Kasama sa nakatakdang programa ang Lifetime Achievement awardees habang pararangalan din ang Cavalier awardees, at Pandemic Heroes awardees.

Nakatakda rin manumpa ang mga bagong Board of Directors ng PMA Alumni Association Inc. na pangungunahan din ni Marcos.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *