Naniniwala si Department of Social Welfare and Development (DSWD) Asec. Irene Dumlao na sapat ang naihanda nilang mga tulong at pondo para sa mga pamilyang apektado ng Bagyong Aghon.
Sa panayam ng Brigada News FM Manila kay Dumlao, sinabi nitong kabuoang P2B ang naka-preposition para sa mga food packs, habang mahigit P1.1B naman para sa mga non-food items.
Samantala, mababatid na umabot na sa P1.4M na halaga na ng relief assistance ang naipamahagi ng ahensya sa mga residenteng apektado.
Naipadala na aniya ito sa iba’t ibang lalawigan at munisipalidad sa bansa.
Sa huli, tiniyak ni Dumalao na ‘sufficient’ ang kanilang mga naihandang tulong para sa residenteng tinamaan ng Bagyong Aghon, at ng mga susunod pang mga bagyo.