PBBM – naglatag ng direktiba sa pagtugon sa sakuna

Naglatag ng direktiba si Pangulong Bongbong Marcos sa iba’t ibang ahensya ng pamahalaan sa kung ano ang mag dapat nilang gawin bago at habang merong kalamidad.

Unang binigyan ng direktiba ng Pangulo ang Department of Science and Technology (DOST) na pagbutihin ang kanilang warning system upang makapagbigay ng napapanahong babala sa mga panganib dulot ng mga bagyo.

Iniutos din nito sa DOST at DILG ang tama at maayos na komunikasyon sa mga lokal na pamahalaan para handa sila pag may kalamidad, at ipagpatuloy ang programa ng DILG na operation LISTO na layong palakasin ang disaster preparedness ng mga LGU para sa paghahanda, pagtugon at pagsusubaybay sa mga sakuna.

Read More:  More than 1,100 PNP personnel face penalties amid internal cleansing drive

Para naman daw maiwasan ang pagbaha lalo na sa mga mabababang lugar, ipinag-utos ng Pangulo sa NIA, DOE, DENR, at MWSS na unti-untiin na ang pagbabawas ng tubig mula sa mga dam bago pa man dumating ang bagyo.

Ang NDRRMC at iba pang ahensya ng pamahalaan ay naatasan din na suriin ang kanilang mga pamamaraan sa ilalim ng disaster response upang mas mabilis anya na makapaghatid ng tulong sa mga naapektuhang pamayanan.

Habang ang DPWH ay tinagubilinan din na pagbutihin ang slope protection design ng mga kalsada at tulay upang matiyak na ito ay angkop sa pagbabago ng klima, at hindi lang dapat matapos sa itinakdang oras kundi tiyakin din na matibay at kalidad.

Read More:  President may appoint senator or lawmaker as replacement if VP Sara is impeached

Kaya naman inatasan din ng Presidente ang DTI na kailangang suriin at tiyaking maayos at magagandang klase ng mga materyales at ibang instrumentong gagamitin para sa mga proyekto ng pamahalaan.

Umaasa ang Pangulo na maliban sa paggunita sa mga nasawi ay magsilbi rin ang National Day of Mourning ng pagkakaisa para sa may matibay anya na mga imprastraktura at mga programang inuuna ang buhay at dignidad ng bawat Pilipino.