Mga binayo ng Kristine at Leon – daraanan ulit ng Bagyong Marce

Bahagya pang lumakas ang Bagyong Marce habang kumikilos pa-kanluran hilagangkanluran sa Philippine Sea.

Sa 11am bulletin ng PAGASA – huling namataan ang sentro ng bagyo sa layong 775 kilometro, silangan ng Borongan City, Eastern Samar.

Taglay na nito ang lakas ng hangin na aabot ng 75 kilometro kada oras, at bugsong aabot ng hanggang 90 kilometro kada oras.

Read More:  Palace withholds judgment on VP Sara impeachment trial

Sa ngayon, wala pang nakataas na tropical cyclone wind signals pero asahan ang bugso ng malalakas na hangin sa Batanes, Cagayan kabilang ang Babuyan Islands, Ilocos Norte, Aurora, at northern portion ng Quezon.

Read More:  House prosecution panel names official spokespersons for Duterte impeachment

Inaasahan namang magla-landfall ito sa Babuyan Islands o sa Mainland Northern Cagayan, Huwebes ng gabi, ‘o bukas ng uamga.

Posible ring daanan nito ang mga areas na una nang dinaanan ng kambal na bagyong Kristine at Leon.