Bagyong Marce, bahagyang lumakas

Bahagyang lumakas ang Bagyong Marce habang kumikilos ng West Northwestward sa karagatan ng bansa.

Kaninang umaga pumasok sa Philippine Area of Responsibility ang Bagyo.

Sa 11AM update ng PAGSA, huling nakita ang sentro ng Bagyo sa 775 km East of Borongan City, Eastern Samar (12.4 °N, 132.5 °E) . Kumikilos ng West Northwestward sa bilis na 35 km/h. Taglay ang lakas ng hangin na 75 km/h at pagbugso na 90 km/h. Walang nakataas na Tropical Cyclone Wind Signal pero asahan ang pagbugso ng hangin ayon sa PAGASA.
Inasahan ang paglandfall ng bagyo sa Babuyan Islands o mainland northern Cagayan sa November 7 o November 8 pero dedepende ito sa lakas ng high pressure area, ayon sa PAGASA posibleng bumaba ang forecast track at landfall area, landfall point sa mainland Cagayan-Isabela area.

Read More:  He could have built software. Instead, he joined a revolution
Read More:  Two die after minivan crashes into house in Cebu

Kung babagal pa ang Bagyo posibleng maramdaman ang ulan at hangin. Ipinunto ng PAGSA na ang ang daanan ng bagyo ay gitna ng track ng Bagyong Kristine at Bagyong Leon kaya pinag-iingat ang mga naapektuhan ng dalawang magkasunod na bagyo.


Abangan ang susunod na ulat ng PAGSA para sa mga pagbabago ng kilos,lakas at direksyon ng nasabing sama ng panahon.