PBBM, muling tiniyak ang suporta sa mga Filipino athletes

Muling tiniyak ni Pangulong Bongbong Marcos ang suporta ng kanyang administrasyon sa mga Filipino athletes.

Sinabi ng Pangulo sa ginanap na Gabi ng Parangal para sa mga Bayaning Atletang Pilipino kagabi, na marami na raw silang nagawa pero asahan pa ng mga atleta na dadagdagan pa ng gobyerno ang kanilang suporta.

Kaya naman magpapatupad ang Philippine sports commission ng Five-year sports development plan 2023-2028.

Layon nitong tugunan ang matagal nang alalahanin ng mga atletang Pilipino sa pamamagitan ng paghikayat sa lahat ng antas ng gobyerno at pribadong sektor para matiyak na laging may suporta para sa mga atleta at sports association.

Tutulungan din ang mga state universities and colleges para pagandahin ang kanilang mga sports facilities, sa pakikipagtulungan sa pribadong sektor para magtayo ng mga basketball court sa mga pampublikong paaralan at gym.

Inatasan din ang PSC na makipagtulungan sa PAGCOR at iba pang ahensya para palakasin ang Medical Scientific Athlete Services unit.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *