PBBM – lalagdaan na ang P5.768Trillion na 2024 National Budget bukas!

Kasado na bukas ang paglagda ni Pangulong Bongbong Marcos sa mahigit 5.7 trillion pesos na national budget.

Kinumpirma ito ng Pangulo sa kanyang interview sa Japan bago umuwi ng bansa kagabi.

Anya, ang inihaing budget ay “napakalapit” sa inihaing National Expenditures Program (NEP) na naunang isinumite ng administrasyon sa Kongreso.

At ang usapin ng confidential fund ng office of the VP ay na-settle na rin.

Kumpyansa rin anya sya sa resulta ng budget, kailangan lang gawin ang ilang hakbang para tiyakin na ma-cover ang pagkakaiba sa pagitan ng aktwal na inilaan na pondo at ang pondo na inaprobahan ng Kongreso.

Samantala, gaganapin bukas ang paglagda ng Pangulo sa GAA2024 sa ceremonial hall ng Palasyo ng MalacaƱang.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *