Halaga ng pasahe, posible raw sumirit sa 2024 ayon sa IBON Foundation

Magbibigay ng tulong ang Department of Transportation (DOTr) sa mga drivers at operators upang matugunan ang posibleng 400% na increase sa mga pasahe dahil sa PUV modernization program.

Ito ay matapos sabihin ng isang non-profit organization na IBON Foundation na “indifferent” o walang pakialam ang adminstrasyon ni Pangulong Bongbong Marcos sa kinahaharap na suliranin ng transport sector.

Read More:  Labor group pushes ‘no work, no pay’ rule in Senate

Ayon sa IBON, ang lumalalang privatization at korporasyon ay nagbabanta ng taas-pasahe na aabot sa 300% hanggang 400% sa mga susunod na taon.

Paliwanag naman ni DOTr Undersecretary Timothy John Batan, maaaring isa sa mga concern ng organosasyon ay ang step 2 ng PUV modernization program, kung saan ang mga tradisyonal na jeep ay papalitan ng mga modernong jeep.

Read More:  NIA says it is prepared for El Niño impacts

Iginiit din nito na nakagawa na ang pamahalaan ng ilang mga pagbabago sa programa upang mapagaan ang programa sa mga jeepney operators.

Sa huli, sinabi ni Batan na nagpapatuloy sila sa pakikipag-ugnayan sa mga governmrnt banks para mas mapadali ang procedure ng pag-avail ng pondo.