Atin Ito Coalition nanindigan na ipagpapatuloy ang kanilang misyon sa kabila ng banta ng China

Nanindigan ang grupong Atin Ito Coalition na tuloy ang pinaplano nilang civilian mission at hindi sila magpapatinag sa umano’y malaking puwersa ng China sa West Philippine Sea.

Ito ay matapos sabihin ng maritime analyst Ray Powell na magpapadala ng malakas na puwersa ang China para harangin ang misyon.

Ayon kay Powell hindi baba sa apat na Coast Guard at 26 na malalaking maritime militia ship ng China ang nakatakdang humarang sa civilian mission.

Ito na aniya ang pinakamalaking balakid o panghaharang na gagawin ng China sa Scarborough Shoal na determinado silang angkinin ang kontrol ang naturang isla.

Samantala, nanawagan naman ang National Security Council sa China na igalang ang caravan na inisyatibo ng mga sibilyan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *