PBBM: bagong sasakyang panghimpapawid ng PAF , magpapahusay sa defense system ng bansa

Sinabi ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na ang bagong sasakyang panghimpapawid na nakuha ng Philippine Air Force (PAF) ay magpapahusay sa defense system ng bansa.

Inihayag ito ni Marcos sa ceremonial turnover ng C295 Medium Lift Aircraft at FA-50PH flight demonstration capability kahapon.

Read More:  BAYAN urges public action to condemn developments in the Senate

Patuloy aniya ana pagpupursige ng kaniyang administrasyon para sa pagsusulong ng mga programa ng modernisasyon sa defense sector ng bansa.

Sinabi ng Pangulo na kinakailangang mapabuti ng FA-50 fighter jets ang kapasidad ng tropa ng pamahalaan sa pagpapatrol sa mga katubigan ng bansa at matulungan ang Air Force sa pagsubaybay sa exclusive economic zone (EEZ) ng Pilipinas.

Read More:  Sen. Jinggoy Estrada surrenders to CIDG

Umaasa rin siya na ang naturang aktibidad ay mas magpapalalim ang pagnanais ng tropa ng pamahalaan na ipagtanggol at pagsilbihan ang samabayanang Pilipino.//CA