Utang ng gobyerno lumobo sa P13.7T noong Enero

Lumobo ang utang ng gobyerno noong katapusan ng Enero ngayong taon dahil sa pag-avail ng parehong local at foreign loan, ayon sa datos ng Bureau of the Treasury .

Umabot sa P13.7 trillion ang utang ng bansa na may pagtaas ng 2.1%, o P279.63 billion mula noong katapusan ng Disyembre na may P13.418 trillion.

Read More:  Palace urges Bato dela Rosa to surrender amid warning of potentially bloody arrest

Sinabi ng Treasury, na ang pagtaas sa debt stock sa nabanggit na panahon ay dahil sa net availment ng domestic at external debt.

Read More:  Champi may regain super typhoon strength before entering PAR

Samantala, sinabi ni Rizal Commercial Banking Corp. chief economist Michael Ricafort , ang bagong record high outstanding debt ay maaaring may kinalaman sa $3 bilyon o humigit-kumulang P164 bilyong global bond offering ng national government noong Enero.//CA