Kinilala ang Meralco Bolts bilang kauna-unahang team na nakakuha ng semifinals berth sa PBA Governors’ Cup, matapos matalo ang San Miguel Beermen sa score na 100-85, sa kanilang quarterfinals battle, Biyernes sa Smart Araneta Coliseum.
Si Tony Bishop ay nagtala ng kanyang usual double-double effort na 32 points at 16 rebounds, habang si Chris Newsome ay ang isa pang double-digit scorer para sa Meralco na may 22 markers.
Sinimulan nina Bishop at Newsome ang mainit na scoring battle sa second half, kasama ang kanilang mahigpit na team defense para hindi makapuntos ang San Miguel sa final two minutes para sa 48-40 Meralco halftime advantage, at hindi na nakabawi hanggang sa matapos ang laro.

Samantala, si Shabazz Muhammad ang nanguna para sa San Miguel sa 24 points at 15 rebounds, habang nagdagdag si Terrence Romeo ang 17 markers sa kanilang final game ng season.
Sa semifinals, haharapin ng Meralco ang mananalo sa quarterfinals matchup sa pagitan ng top seed Magnolia Pambansang Manok Hotshots at eighth seed Phoenix Super LPG Fuel Masters.