NBA: Bey, nagtala ng 51 pts matapos ilampaso ng Detroit Pistons ang Orlando Magic

Umiskor si Saddiq Bey ng career-high na 51 points matapos ilampaso ng Detroit Pistons ang Orlando Magic sa score na 134-120 sa NBA Eastern Conference.

Kaugnay nito, gumawa si Bey ng 10 three-pointers mula sa 14 attempts at 17-of-27 mula sa field, na may 10 rebounds at apat na assists sa isang one-sided drubbing sa Magic’s Amway Center sa Florida.

Tinulungan naman ni Marvin Bagley si Bey sa kanyang 20 points, habang nagdagdag ng 16 puntos si Isaiah Stewart.

Samantala, si German rookie Franz Wagner ang nanguna naman sa Magic na umiskor ng 26 points, habang si big brother Moritz Wagner ay nagtapos sa 16 points.