PBA: Meralco, makakaharap ang Ginebra sa finals showdown

Nagtuloy-tuloy ang panalo ng Meralco laban sa top-seeded Magnolia sa 94-81 kagabi sa Smart Araneta Coliseum.

Dahil dito, may pagkakataon ang Bolts na muling makaharap sa PBA Governors’ Cup title clash ang defending conference champion at old tormentor na Barangay Ginebra.

Kaugnay nito, nagtapos si Allein Maliksi ng 24 points habang si Raymond Almazan ay nagdagdag ng 18 sa perfect shooting clip at si Chris Newsome naman ay may 17 points.

Samantala, nanguna naman si Calvin Abueva para sa Hotshots sa kanyang 21 points, habang si Paul Lee at iba pang Magnolia’s seasoned core na sina Mark Barroca, Ian Sangalang, at Jio Jalalon ay nagtapos sa double figures.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *