Inihayag ni Daniil Medvedev na nasira ng physical struggles ang anumang tsansa na manalo para muling makuha ang world number one ranking, matapos matalo laban kay Poland’s Hubert Hurkacz 7-6 (9/7), 6-3 sa Miami Open.
Una nito, bumagsak sa pangalawa si Medvedev matapos ang third-round loss kay Gael Monfils sa Indian Wells noong nakaraang linggo, pero mababawi pa sana ang top spot mula kay Serbia’s Novak Djokovic, kung natalo nito si Hurkacz, na defending Miami Open champion.
Pero sa kabila nito, umabanse ang 10th-ranked na si Hurkacz sa semi-finals nang mapatalsik ang reigning US Open champion sa Hard Rock Stadium at nanatili si 20-time Grand Slam champion Djokovic sa number one.

Dahil dito, si Hurkacz ay mayroon ngayong 2-2 all-time laban sa Russian, at haharapin si Carlos Alcaraz sa finals bukas, matapos na talunin ng 18-taong gulang na Spanish sensation ang 48th-ranked Serbian Miomir Kecmanovic sa three sets na isa sa best matches ng tournament.