Isa na namang pag-asa para sa top seed Magnolia Pambansang Manok Hotshots, matapos manguna laban sa Meralco Bolts, sa 94-73 sa Game 4 ng kanilang PBA Governors’ Cup semifinals series kahapon sa Smart Araneta Coliseum.
Kaugnay nito, umiskor si Mike Harris ng kanyang usual numbers na 34 points at 18 rebounds, habang nag-ambag naman si Paul Lee ng 17 markers at five assists sa kanilang big win.
Dahil dito, napuwersa ang team para sa isang rubber match sa Biyernes.
Una nito, nagpakita ang Hotshots ng kumpiyansa sa court sa pamamagitan ng kanilang malakas na shooting mula sa lahat ng ranges at suffocating defense laban sa Bolts.

Kaugnay nito, nagsimulang manguna ang Magnolia sa double digits sa second quarter, hanggang sa third quarter, bagama’t bahagyang nahirapan sa unang bahagi ng payoff period nang mabawasan ng Meralco ang kanilang deficit ng anim na puntos o 67-73.
Pero biglang umangat ang lead para sa Magnolia dahil sa free-throw ni Abueva sa 90-68, sa dalawang minutong natitira. //MHEL PACIA-TRINIDAD