DA, naglaan ng P7-M para sa1,561 magsasaka, mangingisda na apektado ng Taal unrest

Naglaan ang Department of Agriculture (DA) ng P7 million para tulungan ang nasa 1,561 na mga magsasaka at mangingisda na apektado ng Taal Volcano unrest.

Ayon kay Agriculture Assistant Secretary Arnel de Mesa, kabilang sa mga tulong na ibibigay ay inbred seeds, glutinous corn, vegetable seeds, at tilapia fingerlings.

Read More:  Senate minority bloc members want Gatchalian as new SP

Sakali naman umano na magkakaroon ng destructive volcanic eruption, may nakahanda ang DA na P200 million mula sa quick response fund para sa 2022, para magbigay ng karagdagang ayuda sa mga apektadong magsasaka at mangingisda

Read More:  Comelec orders new probe into Escudero campaign contribution allegations

Sa ngayon, wala pa naman umanong natatanggap ang kanilang ahensya na anumang danyos sa agriculture at fisheries sa Taal-affected areas. //MHEL PACIA-TRINIDAD