Germany, naglabas ng ‘early warning’ ng posibleng gas shortages

Naglabas ang Germany ng “early warning” gn posibleng kakulangan ng natural gas, matapos sabihin umano ng Russia na gusto nilang mabayaran sa rubles at nagbantang puputulin ang supplies, kung hindi umano ito maisasakatuparan.

Pero ayon sa German government, sa ngayon, may sapat pa namang suplay ang bansa, bagama’t hinimok nila ang lahat ng mga consumers sa buong Europe’s biggest economy, mula sa mga kompaniya hanggang sa mga ospital at kabahayan na bawasan ang pag-gamit nito.

Giit ni Economy Minister Robert Habeck, ito ay magsisilbing precautionary measures bilang paghahanda sa anumang escalation ng Russia.

Mababatid na ang European Union ay nakadepende sa Russia sa halos 40% ng kanilang natural gas, kung saan ang Germany ay ang pinakamalaking energy customer ng Moscow sa continent.

Una nang sinabi ni Habeck na ang payment na rubles ay hindi tinatanggap sa Berlin, kasabay ng paglalarawan sa demand ni Russian President Vladimir Putin bilang “blackmail.” //MHEL PACIA-TRINIDAD