PBA legends, naglaro ng basketball laban sa mga PDLs

Naglaro sa isang exhibition game ang mga basketball legends ng Pilipinas laban sa mga Persons Deprived of Liberty (PDLs) ng Manila City Jail.

Kabilang sa mga lumahok ng nasabing aktibidad ay ang mga basketball icons na sina Alvin Patrimonio, Gherome Ejercito, E.J. Feihl, Jerry Codiñera, Rodney Santos, at Noli Locsin.

Ayon kay Manila City Jail Male Dorm Warden Jail Supt. Lino Soriano, bahagi ito ng kanilang pagdiriwang ng National Correction Consciousness Week (NACOCOW) 2023.

Dagdag pa ng warden, magsisilbing inspirasyon ang mga PBA legends sa mga PDL dahil nakita nila ang mga iniidolo at kasama pa nilang maglaro.

Layunin nito na mabigyan ng mga programa at aktibidad ng mga PDLs na susuporta sa reporma at rehabilitasyon mula sa pagkalulong sa droga.

Samantala, tinapos na agad ang labanan sa second quarter bunsod ng malalakas na pag-ulan sa iskor na 52-54 pabor sa basketball legends.

Sinabi ni Feihl na nag-enjoy sila sa laro at sana maulit ito para maiwasan ang stress ng mga billanggo sa loob ng piitan.