John Lloyd, naiilang kapag tinutukso siya ng publiko kay Bea

Inamin ng John Lloyd Cruz na naiilang siya kapag tinutukso ng publiko kay Bea Alonzo.

Sa isang panayam, sinabi ni Lloydie na para raw siyang nagsisinungaling kung kahit isang beses sabihin nitong hindi siya nailing.

Aniya, hindi kailanman sumagi sa isip ng aktor na magkaroon sila ng relasyon ni Bea.

Ayon kay John Lloyd, kapag nagkikita sila ni Bea hindi mawawala iyong nostalgia at hindi kailanman maalis ang ganoong pakiramdam lalo na ‘pag hindi inaasahan ang kanilang pagtatagpo sa isang lugar.

Hangad ng aktor na maging masayang masaya si Bea sa bagong yugto na papasukin nito kaugnay sa engagement ng aktres kay Dominic Roque.

Sinabi ni Lloydie na gusto nitong maging masaya yung isang taong napakabuti hindi lamang sa kanya kundi pati na rin sa lahat mula noon hanggang ngayon nang hindi kumukupas.

Nabatid na noong kasagsagan ng kasikatan ng tambalan nina John Lloyd at Bea Alonzo ay marami talagang fans na naniniwala na true to life ang relasyon ng dalawa.

Isa ang loveteam nila sa pinipilahan sa takilya lalo na nang gawin nila ang “One More Chance” bilang sina Popoy at Basha.