Patay ang 2 bata habang kritikal ang 5 indibidwal matapos kumain ng pritong butete

Patay ang dalawang batang lalaki habang kritikal ang kondisyon ng lima pang indibidwal matapos  kainin ang nakuhang botete o pufferfish.

Nangyari ito sa Barangay Balas, Lamitan City, Basilan Lunes ng gabi

Read More:  Volunteer teacher helps pupils cross swollen river after class in Negros

Sa ulat, pinagsaluhan ng pamilyang Uwing ang piniritong botete o butingga kung tawagin sa kanilang lugar.

Ayon sa barangay, Bigla na lamang nagsusuka at nanginginig ang mga bata na tuluyang binawian ng buhay nitong Martes.

Read More:  Fake Pag-IBIG agent arrested in Davao City over ₱1.12-million housing scam

Ang ibang myembro ng pamilya naman ay agad isinugod sa ospital na patuloy ngayong inoobserbahan.

Ang butete ay naglalaman ng nakakalasong kemikal na maaaring magdulot ng pagkaparalisa, Hindi ito karaniwang kinakain dahil sa panganib na dulot.