Pagdiriwang ng buwan ng wika, isang paalala na dapat mahalin at pagyamanin ang wikang Filipino ayon kay PBBM

Hinimok ni Pangulong Bongbong Marcos ang mga Pilipino na mahalin ang wikang Filipino nang bukas sa puso.

Sa kanyang mensahe sa pagdiriwang ng Buwan ng Wika, ipinunto ng Pangulo na ang pagdiriwang ay hindi lang paalala, kundi isa ring paanyaya na patuloy na mahalin at pagyamin ang ating wika.

Read More:  Death toll from Typhoon Inday, Habagat climbs to 18

Anya ang wikang ating minana ay nagpapakita ng ating pagkakakilanlan bilang isang lipi.

Hinimok rin ni Pangulonf Marcos ang mga Pilipino na isapuso at isaisip ang mga panitikan at obra na magpapalalim pa ng ating pag ibig sa bayan at makakahikayat sa mga bagong henerasyon na tangkilikin din ang sariling atin.

Read More:  Tarriela condemns Chinese media’s ‘monkey’ video allegedly depicting the Philippines

Nabatid na taon-taon tuwing Agosto, sinasariwa ang pagkilala sa papel na ginagampanan ng ating sariling wika sa pang araw-araw na gawain sa ilalim ng Presidential Proclamation no. 1041.