NAGA CITY – Sa pagbubukas ng isa na namang mall sa Naga City, ito’y tiyak na makakapagpaangat pa sa turismo sa lungsod dahil sa mga papasok dito na galing pa sa ibang bayan sa Camarines Sur at karatig lalawigan sa Bicol, ayon kay City Councilor Jose Perez, Chairman ng Investment, Trade and Economic Enterprises at Tourism sa konseho.
Paliwanag ng konsehal sa Brigada News FM Naga, tulad ng ibang mga malls sa lungsod, magiging pasyalan din ito lalo na ng mga kabataan na pagkakatapos ng klase ay nasa loob ng mga malls, pati na rin ang mga empleyado at iba pa na may kakayahang bumili o can afford sa mga presyo .
Ngayong darating na Setyembre, tiyak na mas maraming mga bisitang pupunta sa lungsod para muling makisaya at makilahok sa mga activities na may kaugnayan sa Peñafrancia Fiesta Celebration, sabi pa ni Perez.