Pasyente at bantay – timbog matapos maaktuhang nagdo-droga sa loob ng Ospital sa Cavite

Pinosasan ang isang pasyente at kaniyang bantay matapos silang maaktuhang gumagamit ng illegal na droga sa loob ng ospital sa Imus Cavite.

Ito ay matapos mahuli ng guwardiya na may dalang lighter at weighing scale ang pasyente na isinumbong niya sa kanyang superior.

Pagbalik nila ay doon na nila naaktuhan gumagamit ang dalawang suspek.

Kaugnay nito, umamin naman ang dalawang susupek at nakumpiska sa mga ito ang ilang pakete ng shabu, drug paraphernalia at weighing scale.

Sa kasalukuyan ay nasa kustodiya na ng mga pulis ang mga suspek na mahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act.