Vice President Sara Duterte, posibleng makasuhan ng graft ayon sa isang House leader

Naniniwala si House Majority Leader Mannix Dalipe na maaaring managot si Vice President Sara Duterte dahil sa graft o katiwalian sakaling hindi maidepensa ang kwestyonableng paggasta sa pondo ng OVP at Department of Education.

Bunsod ito ng inilabas na “disallowances” at “suspensions” ng Commission on Audit kaugnay ng 73.2 million pesos na confidential funds at 12.3 billion pesos sa DepEd noong 2023.

Ayon kay Dalipe, higit sa alegasyon ng “mismanagement” ay posibleng makasuhan ng paglabag sa anti-graft laws ang bise-presidente kung hindi nito maipaliliwanag ang adverse findings at hindi tatanggapin ng COA ang justifications.

Read More:  Bondoc slams NBI labeling of Sen. Bato as ‘armed and dangerous’

Ipinasasauli na aniya ng COA ang intelligence funds pati na ang bilyong pisong gastos sa DepEd noong si Duterte pa ang kalihim nito at maaaring mas mabigat pa ito kaysa magpataw ng administrative penalties.

Punto pa ng House leader, bagama’t wala pang inilalabas na notices of disallowances ay nakasaad na sa audit observation memos na may mga deficiency na kailangang tugunan tulad ng liquidations sa confidential fund.

Read More:  Labor group pushes ‘no work, no pay’ rule in Senate

Umapela naman si Dalipe sa COA na isumite na ang final report nito sa Ombudsman at sa Kongreso sa lalong madaling panahon lalo’t kamakailan ay mayroon umanong isang alkalde na pinadi-dismiss kahit pa isinauli ang bahagi ng disbursements na hindi awtorisado.

Sa mga nakalipas na panahon ay nagsusumite umano ang COA ng final findings sa Ombudsman sa kaso ng public officials na hindi nakapagsauli ng suspended at disallowed expenses.