Pastor Apollo Quiboloy, haharapin muna ang mga kaso sa Pilipinas bago pagbigyan ang extradition ng US – DOJ

Lilitisin muna dito sa Pilipinas ang mga kasong kinakaharap ni Kingdom of Jesus Christ founder Pastor Apollo Quiboloy bago pagbigyan ang posibleng extradition request ng Estados Unidos kung saan nahaharap din siya sa patong-patong na kaso kabilang ang conspiracy to engage in sex trafficking by force, fraud, coercion, sex trafficking of children, conspiracy, at cash smuggling.

Read More:  DENR preparing for possible impact of Super El Niño

Pero ayon kay Justice Secretary Jesus Crispin Remulla, kapag napatunayang nagkasala si Quiboloy ay marapat na pagsilbihan muna nito ang sentensya sa bansa bago pagkalooban ang hiling na extradition ng Amerika.

Read More:  PH Embassy in Pretoria advises Filipinos to avoid Ebola-affected areas

Sa kabila nito, kinikilala rin ng DOJ ang extradition treaty o kasunduan ng Pilipinas at US kaugnay sa mga kasong kinahaharap ni Quiboloy.

Nangako rin ang DOJ na susunod sa tamang proseso sa paglilitis kay Quiboloy.