Nanindigan si Vice President Sara Duterte na hindi siya isang ‘bratinella’ o ‘spoiled brat’.
Ito ay matapos ma-defer ang pagdinig ng budget ng Office of the Vice President para sa susunod na taon.
Sa isang panayam, sinabi ni VP sara na kilala siya ng mga tao mula pa noong nasa Davao siya, maging Mayor, at maging isang Bise Presidente ng bansa.
Aniya, hindi niya inaabuso ang otoridad ng anumang opisana na kanyang inookupahan o bilang isang Bise Presidente ng Pilipinas
Samantala, palagay ni Duterte na kaya nasabi ito sa kanya ay hindi lang sanay ang ilan sa mga miyembro ng Kamara o hindi nila gusto ang nakuha nilang sagot mula sa kanya.
Bukas, araw ng Martes – nakatakdang humarap muli ang OVP sa budget briefing sa Kamara.