KORONADAL CITY – MAGBABALIK na ang operasyon ng passenger vessel sa Port of General Santos. Ito ay batay sa memorandum na ipinalabas ni Cotabato Governor Emmylou Taliño-Mendoza, chairperson ng Regional Development Council o RDC Region 12 base sa impormasyon mula kay PPA PMO-Socsargen Port Manager Atty. Cesar Dataya.
Napag-alaman na magdedeploy ng pampasaherong barko na MV Masikap, ang 2GO Group Incorporated. Ito ay may rutang Manila, Davao, General Santos, Iloilo at Manila. Ito ay may weekly schedule na magsisimula na sa February 17, 2024. Ang resumption ng passenger vessel operation sa Port of Gensan ay inaasahang makatutulong upang mapalakas pa ang economic activities sa Soccsksargen. Hinihikayat naman ni Mendoza ang publiko na maging updated sa guidelines kaugnay sa kanilang pagbiyahe.
