Babalik na ang passenger capacity sa MRT 3 sa 100% mula sa 70% simula March 1, o kasabay ng pag-downgrade ng National Capital Region sa COVID-19 Alert Level 1 mula Alert Level 2.
Ayon sa Department of Transportation, kaya ng MRT3 na magsakay ng 1,182 na pasahero kada train set o 394 kada bagon.
Ang bawat train set ay may tatlong bagon.
Inihayag ng DOTr na ang pagtataas ng kapasidad ng mga tren ay tugon ng pamunuan ng MRT 3 at ng Transportation department sa pagtaas ng demand sa pampublikong transportasyon.
Ipinunto ng ahensya na ito ay sa gitna ng pagbubukas ng mas maraming establishimyento sa Metro Manila.
Ipinaalala naman ng DOTr sa mga pasahero na patuloy pa rin oobserbahan ang minimum public health standards.
Ibig sabihin ay pagbabawalan pa rin ang pag-uusap, pagkain, at pagtanggap ng tawag sa mga telepono sa loob ng tren.
