OWWA Bicol handang tumulong sa mga uuwing OFWs na nasa Ukraine

Legazpi City- Nakahandang tumulong ang Overseas Workers Welfare Administration Bicol sa mga uuwing Overseas Filipino Workers (OFW) na apektado ng nagpapatuloy na tensyon sa Ukraine.

Ayon kay Jenivie Diaz Aguallo Officer in Charge ng OWWA Bicol na handang tumulong ang ahensya sa mga sinumang uuwi at nag aantabay rin sila ng guidelines mula sa national office kung anong mga tulong ang pwede pa nilang ibigay sa mga OFWs.

Read More:  13 arrested in Cebu over P1.7M unregistered cooking oil

Dagdag pa niya ang mga posibleng uuwing OFWs mula sa Ukraine ay matulungan sa ilalim ng programang Livelihood Program for Distressed and Displaced Overseas Filipino Workers.

Read More:  Four face charges after illegal horse fighting bust in Davao Occidental

Ayon sa ahensya may mga naitala nang pilipinong unuwi mula sa Ukraine ngunit walang bikolanong kabilang dito.