Pasig River Ferry Service, planong palawakin ng MMDA

Pinaplano ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na palawakin ang operasyon ng Pasig River Ferry Service bilang alternatibong transportasyon.

Ayon kay MMDA Acting Chairman Romando Artes, maaaring i-deploy ang tatlong 150-seater na barko sa ilalim ng Maritime Industry Authority (Marina) para magbigay serbisyo sa publiko.

Read More:  German national dies in Mandaue pension house fire

Dagdag pa ni Artes, patuloy na tumataas ang bilang ng tumangkilik sa ferry service at palaging punuan ang mga lantsang pantawid.

Read More:  Kabankalan MSMEs prove their mettle at Negros Trade showcase

Mula January hanggang November, nakapagtala ang ahensya ng higit 200K o 56% ridership sa Pasig River Ferry Service.