Ilang lugar sa bansa nakataas na sa signal #1 dahil sa bagyong Kabayan

Sinuspende na ng Philippine Coast Guard sa Southern Leyte ang byahe ng mga sasakyang pandagat sa probinsya dahil sa bagyong Kabayan.

Ito ay matapos isailalim ang probinsiya sa tropical storm warning signal number one kaninang umaga.

Kasama rin sa itinaas sa signal #1 ang probinsya ng Leyte at Southern part ng Samar at Eastern Samar.

Stranded naman ang ilang pasahero sa Buhol at ilan pang bahagi ng central Visayas.

Read More:  DSWD, PNP build case vs fake Pampanga collapse survivor

Samantala, napanatili ng bagyong Kabayan ang lakas nito habang kumikilos pa-kanluran sa silangan ng Mindanao.

Huling namataan ang sentro ng bagyo sa layong 385km East of Davao City, Davao del Sur.

Taglay nito ang maximum sustained winds na aabot sa 56 hours malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 70 per hour.

Read More:  DILG chief reveals options given to Jinggoy Estrada as arrest warrant looms

Nakataas ngayon sa signal #1 ang Southern Leyte, Leyte, Samar, Eastern Samar, Cebu, Camotes Island, Bantayan, Siquijor, Dinagat Island, Surigao del Norte, Siargao-Bucas Grander Group, Surigao del Sur, Davao Oriental, Agusan del Norte, Misamis Oriental, Camigun, Bukidnon, Agusan del Sur, Davao de Oro, Misamis Occidental, Lanao del Norte, Lanao del Sur, Davao del Norte, Davao del Sur, Cotabato, at Maguindanao del Norte.

Para naman sa natitirang bahagi ng Luzon at sa Metro Manila makakaranas ng maulap at maulang panahon dulot ng amihan.