Ang RED Training Center sa Pasig City ang napiling ceremonial venue sa 2nd quarter ng Nationwide Simultaneous Earthquake Drill na isasagawa sa June 28.
Ayon sa Office of Civil Defense, nakatakdang dumating sa Metro Manila ang mga tinatawag na assisting regions upang makilahok sa full scale exercise.
Sila ay ipadadala sa mga itinalagang lokasyon kung saan magtatayo ng alternate emergency operations centers.
Ang pagsasanay na ito ay nakabase sa Harmonized National Contingency Plan for Magnitude 7.2 Earthquake na sentro ng NSED.
Ayon sa OCD, ang earthquake drill ay mahalagang hakbang upang mapalakas ang kahandaan ng bawat isa sa oras ng lindol at masiguro ang kaligtasan ng publiko.
Patuloy naman nagpapaalala ang ahensiya na makiisa at seryosohin ang mga ganitong uri ng pagsasanay upang maging handa sa anumang sakuna.