Batangas City – Kulungan ang bagsak ng dalawang lalaki matapos mahulihan ng marijuana oil sa isinagawang operasyon ng mga awtoridad sa barangay Paltero, Biñan City, Laguna.
Kinilala ng mga awtoridad ang mga suspek na sina Jerald Ramos, 24 anyos at si John Christian Gayarra, 23 anyos at pawang mga residente ng Barangay Mamatid, Cabuao City, Laguna.
Batay sa report, nagsagawa ang PDEA ng operasyonsa naturang lugar na nagresulta sa pagkakaaresto ng mga suspek, kung saan nakuhanan sila ng nasa 10ml na marijuana oil na nagkakahalaga ng P30,000.00.
Sa ngayon ay hawak na ng mga awtoridad ang mga suspek na mahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.